Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang blog post na ito. Ngunit, ang tangi kong masasabi sa inyong lahat ay mahal na mahal ko kayo guys! Subukan ninyong akong kalimutan, kung hindi, sasapukin ko lahat kayo ng isa-isa. Hahabulin ko kayo hanggang sa inyong mga hukay. Mga tsong at kumare ko, walang kalimutan. Laking pasasalamat ko at nakilala ko kayong lahat. Dahil sa inyo, naging makulay ang aking hayskul life. Ngunit, di lahat ng bonds ay nagtatagal. Yun ang masakit doon. Ang mamaalam ng unexpected.
Ian, Clark, Ren, Rebecca, Unice at Justin. Hydrojungle. Salamat talaga sa inyo. Naging kapitbahay kayo ng aming section. Magkadamay sa lahat ng problema pati na rin sa mga nawawalang libro at kung anu-ano pang kagamitan na nawawala o naliligaw sa inyong room o sa aming room. Kahit hindi tayo close lahat, nais ko talaga magpasalamat sa inyong lahat. Walang kalimutan, ah? Pangako niyo yan. At sana tuparin niyo ito. Tandaan, we’re just a finger away ‘coz we’ll be sending text messages lagi.
Jarem, Jerel, Audrey at Mares. Fluorine. I love you guys! Walang kalimutan. Sana you’ve treasured every moment that we shared our laughters, our sorrows, and our despairs together. Ang saya ninyong kasama, promise! Kung hindi ako naging Oxygen, sana naging Fluorine ako. Salamat sa pagtanggap ng bawat circumstances ng bawat isa. Salamat din at pinapayagan niyo akong pumasok sa room niyo at makigamit ng salamin. Thank you talaga!
Ronvil, Virgil. Barangay Oxygen. Mga pare, hindi pa natatapos ang lahat sa atin. Meron pa tayong "drama series", di ba? Ang "Antigong Puso". Basta, mga tsong, magkikita-kita pa naman tayo sa outing natin. Oo, nakakalungkot. Kayo ba naman kasi, nakakaasar kayo. Wala na tuloy kaming clown. Tsk, tsk, tsk.
Pero, magkikita-kita pa naman din tayo, someday. Malay niyo, sa Manila pa tayo magkakita-kita.
Let’s see each other sa college, okay? Ü